Sa nakalipas na 24 oras, ang Pinatubo Volcano Network ay nakapagtala ng labing-apat (14) na volcanic earthquakes.
Ang Alert Level 1 ay kasalukuyang nakataas sa Pinatubo Volcano. Ito ay nangangahulugang mayroong bahagyang pagligalig na maaaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon. Mangyari lamang na ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari. Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna. Ang DOST-PHIVOLCS ay patuloy na pinapagtibay ang pagmamanman ng bulkan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga himpilan sa PVN at may dalas na geochemical survey ng Pinatubo Crater, pati na rin ng pagmamanman ng ground deformation gamit ang satellite data. Ang DOST-PHIVOLCS ay patuloy na masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Pinatubo at ang anumang pagbabago ay agarang ipararating sa lahat ng mga kinauukulan.
DOST-PHIVOLCS